BRIBERY SCANDAL | Retired Senior Superintendent Wenceslao “Wally” Sombero, sumuko kay Incoming PNP Chief Police Director Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Sumuko na ngayong umaga kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde si Wally Sombero, ang sinasabing middle man sa 50 million peso bribery scandal sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Albayalde, nagpadala ng surrender feelers si Sombero sa pamamagitan ng dalawang retiradong senior police officer.

Kahapon, inilibas ng Sandiganbayan ang arrest order laban kay Sombero at sa dalawang dating opisyal ng immigration na sina Al Argosino at Michael Robles para sa kasong plunder.


Sina Argosino at Robles ang nanghingi umano ng 50 million pesos sa negosyanteng si Jack Lam noong November 27, 2016 kapalit ng paglaya ng higit 1 libo at 3 daang undocumented Chinese nationals na empleyado ni Lam na naaresto sa isang raid sa Clark, Pampanga.

Si Sombero naman ang sinasabing bagman ni Lam.

Nakakulong na sina Argosino at Robles sa Camp Bagong diwa habang tinutugis pa ng mga otoridad si Lam.

Isinailaim agad sa booking procedure, medical exam si Sombero.

Sa ngayon ang naghihintay na lamang ng commitment order ang kampo ni Sombero para matukoy kung saan ikukulong ang dating police official.

Facebook Comments