Bride, nasa gitna ng photoshoot nang yanigin ng malalakas na pagsabog ang Beirut

3424
(Screenshot from the video)

Nakuhanan ang isang bride sa Beirut, Lebanon habang nasa gitna ng wedding photoshoot bago ang nangyaring pagsabog sa lugar nito lamang Martes.


Sa video kuha mismo ng cameraman ni Dr. Israa Seblani, mapapanood ito suot ang kanyang white gown na may malaking kola habang nagpapakuha ng litrato sa isang magandang lugar malapit sa venue ng kanyang kasal, sa Le Gray Hotel.

Nang itutok na ng videographer ang kuha sa bandang ibaba ng dress kung saan makikita ang yellow bouquet ng bride, bahagyang gumalaw ang camera– na sinundan ng malakas na pagsabog.

Mapapanood ang halos matumbang bride habang ang cameraman naman ay makikitang nahilo dahil sa nangyari.

Nang ibalik niya ang camera sa lugar kung saan kinukuhanan si Dr. Seblani, naaktuhan itong tumatakbo papasok habang inaalalayan ng isang lalaki.

Ang naturang lugar, napuno ng usok at basag na salamin.

Ang nangyaring pagsabog ay mula umano sa 2,750 tonelada ng fertilizer sa isang warehouse, na kumitil na ng hindi bababa sa 100 katao at nag-iwan ng pinsala sa 300,000 katao sa Lebanon.




PANOORIN ang video na ibinahagi ng Reuters.

Facebook Comments