
Malaking palaisipan pa rin sa Quezon City Police District o QCPD kung paano napadpad sa Pangasinan ang nawawalang “bride-to-be” na si Sherra De Juan.
Ayon kay QCPD PIO Maj. Jennifer Gannaban, hindi pa rin kasi maipaliwanag ni De Juan kung paano siya nakarating sa naturang probinsiya.
Ang sabi raw ng bride-to-be ay huli itong sumakay sa isang van pero hindi na maipaliwanag kung paano napadpad sa Ilocos Region.
Kahapon nang ma-locate ng PNP ang kinaroroonan ni De Juan sa Sison matapos ipaalam ng isang concerned citizen sa pamilya nito na namataan ang nawawalang bride-to-be sa naturang bayan.
Kung maalala, ikakasal na sana si De Juan sa kanyaang kasintahan ng isang dekada na si Mark Arjay Reyes noong Disyembre 14 peeo bigla itong nawala apat na araw bago ang kasal.










