Manila, Philippines – Nagsimula na ang closed door breifing sa mga senador nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Kasama ding inimbitahan ng mga senador si AFP Chief General Eduardo Año pero hindi ito nakarating dahil nasa Mindanao.
Subject ng breifing ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao ng martial law at suspension ng Writ of Habeas Corpus.
Samantala, kasabay ng briefing ay nagsasagawa naman ng kilos protesta sa labas ng gate ng senado ang tinatayang nasa 100 miyembro ng ibat-ibang grupo na tutol sa deklarasyon ng martial law.
Mga miyembro ito ng Akbayan Partylist, Coalition Against Marcos Burial o (CAMB), SENTRO, The Silent Majority, at iba pang mga cause-oriented group .
Sa kanilang mga banner ay nakasaad ang katagang Yes to Peace, No to Martial Law, reject martial at isinusulong din ng mga ito ang pagconvene ng joint session para talakayin ng mga mambabatas ang nabanggit na hakbng ng pangulo.
DZXL558, Grace Mariano