Brigada Eskuwela 2017, nagsimula na sa siyudad ng Cauayan sa Isabela

Cauayan, Isabela – Nagsimula na kaninang umaga ang Brigada Eskuwela sa ibat ibang pampublikong paaralan sa lungsod ng Cauayan sa Isabela.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng motorcade sa pangunguna ni City Division Supt. Gilbert Tong.

Isinagawa ang kick off ceremony sa Villa Luna National High School.


Kaugnay nito, nagbigay din ng mga dwarf coconut at fruit bearing trees ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection at ito ay itatanim sa ibat ibang mga paaralan sa siyudad.

Ang tema ng Brigada Eskuwela 2017 ay “Isang Dep Ed, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan Para sa Handa at Ligtas na Paaralan.’’

Ang Brigada Eskuwela 2017 ay magtatagal hanggang araw ng sabado.

Layunin nito na maihanda ang mga paaralan sa pagpasok ng mga estudyante sa buwan ng Hunyo.

Facebook Comments