Brigada Eskwela sa Dagupan City inumpisahan na ngayong araw

Dagupan City – Bagamat martes pa opisyal na mag-uumpisa ang Brigada Eskwela 2019, inumpisahan na ito ng DepEd Dagupan sa kanilang school level. Sa 42 na mga paaralan na kanilang nasasakupan sisiguruhin ng kanilang pamunuan na sa pamamagitan ng ganitong aktibedades ay matugunan ang mga kailangang isaayos ng bawat paaralan bago ang pasukan sa June 3, 2019.

Nanawagan ang DepEd Dagupan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging sa mga pribadong institusyon gayundin sa mga non-government organization na makilahok sa taunang Brigada Eskwela 2019.

Ngayong taon sisentro ang tema ng nasabing aktibidades sa “Matatag na Bayan para sa maunlad na Paaralan” na magtatagal hanggang May 25, 2019.


Facebook Comments