Driver ng isang kotse na sangkot sa hit and run, patuloy na pinaghahanap, isang lalaking guro patay matapos mabangga sa Maynila

Pinaghahanap na ng mga pulis ang driver ng isang kotse na sangkot sa hit and run incident sa J. P Laurel street, malapit sa Nagtahan bridge, San Miguel, Maynila.

 

Sa paunang imbestigasyon, tinatakasan ng hindi pa nakikilalang suspek ang patrol car ng mga pulis matapos makasagasa ng tatlong tao.

 

Pero napunta ito sa dead end na lugar kayat inararo nito ang mga nakaparadang tricycle, motorsiklo, pedicab, jeep at isang kotse.


 

Pinagbabato ng mga tambay ang driver ng kotse na may plate number na uke-549 kung saan nakabangga muli itong ng isang tricyle saka tumakas papunta ng nagtahan street.

 

Samantala, isang lalaking guro naman na sakay ng kaniyang motorsiklo ang namatay habang dalawa ang sugatan matapos na mawalan ng preno ang isang jeep sa Ramon Magsaysay Blvd. Malapit sa Pureza sa Maynila.

 

Hawak na ng mga otoridad ang driver na si Fernando Penaflorida kung saan hindi pa pinapangalanan ang nasawing biktima na pumailalim sa sasakyan habang nakaipit pa ito nang mabangga din ng jeep ang isang closed van.

Facebook Comments