Isinagawa ang kick-off ceremony na may temang Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral sa San Antonio National High School, Delfin Albano, Isabela nitong ika-6 ng Agosto 2022.
Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang opisyal ng Schools Division of Isabela at mga katuwang na stakeholders.
Kasama sa mga isinagawang aktibidad sa clean-up drive ang paglilinis ng bakuran ng paaralan, pagputol ng mga puno, paglilinis sa mga kanal, inspeksyon sa mga gusali ng paaralan at mga kable ng kuryente, pagkumpuni ng mga sirang gamit sa silid-aralan, pagpipinta ng mga pader at tree planting.
Bukod sa mga opisyal ng SDO Isabela, lumahok din sa clean-up drive ang mga empleyado ng Provincial Government ng Isabela, BFP, Philippine Army, PNP, Liga ng mga Barangay (LNB), Sangguniang Kabataan (SK), mga magulang, guro at iba pang BE-volunteers.
Samantala, maliban sa kick-off ng Brigada Eskwela, binigyan ng booster shots ang mga guro at non-teaching personnel ng SDO-Isabela sa tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.