TULAK NG DROGA, TIMBOG SA BUY-BUST

35
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki dahil sa pagtutulak nito ng iligal na droga sa Macapagal Ave., Brgy.Balzain, Tuguegarao City, Cagayan.

Natimbog sa ikinasang drug buy bust operation ang suspek na kinilalang si Danilo Manalastas, 47 taong gulang, residente ng Baluarte, Gapan City.

Ito’y matapos mapagbentahan ni Manalastas ng iligal na droga ang isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang 17 pakete ng hinihinalang shabu, isang plastic sachet na walang laman, isang cellular cellphone at P1,000 bill na ginamit bilang buy bust money.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Tuguegarao City Police Station.

Nabatid na si Manalastas ay nahuli na rin sa kaparehong kaso noong taong 2021.

Facebook Comments