Brigade Commander’s Symposium isinagawa sa 6th ID

Nakiisa sa isinagawang Peace Forum ang mga Brigade Commanders mula sa ibat ibang unit ng Philippine Army noong araw ng sabado sa 6th ID Headquarters sa Camp Siongco , Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Nanguna sa aktibidad si 6th ID Commander BGen. Cirilito Sobejana na nagsilbing host ng Brigade Commander’s Symposium .

Naglalayun ang aktibidad na palakasin pa ang samahan ng mga opisyales ng AFP at para lalo pang pag-ibayuhin ang kanilang mga inisyatiba alang alang para sa Peace and Development na kani kanilang mga nasasakupan.


Naging bisita sa okasyon sina Sultan Kudarat Governor Sultan Pax Mangudadadatu at Rajah Buayan Mayor Zamzamin Ampatuan na kapwa nagbigay rin ng kanilang mga insights may kaugnayan sa violent extremism at kanilang mga strategic form of governance towards peace and progress.

Tema ng aktibidad ay “Convergence: A nexus for Peace and Development in the respective PA Brigade AOR”.



Facebook Comments