
Tuloy-tuloy ang isinasagawang ‘Bring Him Home’ rally sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila na nilalahukan ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa crowd estimate ng Manila Police District (MPD) nitong 5pm, umabot na sa 2,000 ang dumadalo sa naturang aktibidad.
Nakasuot ang mga ito ng t-shirt na kulay green at pula at may dalang maliliit na watawat at mga karatulang may nakasulat na mga pagtuligsa kay Pangulong Bongbong Marcos.
Bandang alas tres ng hapon nang magsimula ang programa, na binuksan ng mga live performance na nagtagal ng isang oras.
Sinundan naman ito ng pagtatalumpati ng ilang naimbitahang mga personalidad.
Mamaya ay magkakaroon ng vigil at interfaith prayer sa Liwasang Bonifacio.
Facebook Comments