Bring Home a Friend ng DOT, Inilunsad

Tuguegarao City, Cagayan – Inilunsad ng Kagawaran ng Turismo (DOT) Region 2 ang “Bring Home a Friend” program.

Ito ay ginanap sa SM Center Tuguegarao Downtown noong Disyembre 18, 2017 na ang layunin ay gawing ambassador ang sinumang mamamayan upang makahikayat ng mga turista na bibisita sa bansa.

Ang programang ito ay naunang ginawa noong 1994 sa pamamagitan noon ni Tourism Secretary Mina Gabor.


Makakasali ang sinuman sa programang ito sa pamamagitan ng pagrehistro sa www.bringhomeafriend.online.

Kasunod nito ay iimbitahan ang sinumang kaibigang banyaga sa pamamagitan ng internet at kapag nakapasyal ito sa bansa ay iaapload sa ang pruweba ng pagbisita gaya ng boarding pass sa eroplano.

Ang naturang paglulunsad ay dinaluhan mismo ni Department of Tourism Regional Director Virgilio Maguigad.

Kasama din sa dumalo ay si Denizon Domingo, Officer-In-Charge Schools Division Superintendent ng Department of Education.

Suportado ang naturang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan, Isabela Tourism Office, Municipal Tourism Office ng Lasam, DPWH-Region 02, DTI- Region 02, BFAR Region 02, PSA-Region 02, CHED Region 02, OCD-Region 02, LTFRB, Mga LGU ng Cagayan, Ilagan City, Sanchez Mira, Lallo, Allacapan, Aparri, Abulug, Calayan, Rizal, and Camalaniugan.

Nagbigay suporta din ang Cagayan National High School and Saint Paul University Philippines.

Nag-ambag din ang mga pribadong organisasyon at media sa naturang programa ng Kagawaran ng Turismo.

Facebook Comments