Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na agad nilang sisimulan ang transition process sa kagawaran pagkatapos na manumpa ni incoming Vice President Sara Duterte-Carpio sa Hunyo.
Si Duterte-Carpio ang itinalaga ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang sunod na kalihim ng DepEd.
Ayon kay Briones, ilang beses na ring sumulat sa kanya si Duterte-Carpio para sana pag-usapan ang transition period pero nagkakataon naman na mayroon siyang mahahalagang meeting.
Samantala, umaasa si Briones na maipagpapatuloy ng susunod na kalihim ng ang mga programa ng kagawaran kabilang na ang Alternative Learning System (ALS) at Last Mile School (LMS) programs.
At kahit tapos na ang kanyang termino ay handa pa rin daw siya na magbigay ng payo kung hihingin ito sa kanya.
Dagdag pa ng kalihim, naniniwala siyang mapamumunuan nang maayos ni Duterte-Carpio ang DepED na aniya’y isang napakatalinong tao.
Samantala, matatandaang nagtungo kamakailan sa London si Briones para sa apat na araw na Education World Forum 2022 na nagsimula noong May 22 hanggang 25.
Ang naturang Education World Forum ay ang pinakamalaking pagtitipon ng education at skill ministers sa buong mundo na ngayong taon ay dinaluhan ng 125 education ministers mula sa 107 mga bansa.