PRO2, MARIING KINOKONDENA ANG PANGGAGAHASA’T PAGPATAY SA BATA SA SANTIAGO CITY

35
Cauayan City, Isabela- Mariing kinokondena ng pamunuan ng PRO2 ang kalunos-lunos na sinapit ng 10-anyos na bata na ginahasa at walang awang pinatay ng ‘di pa nakikilalang suspek sa lungsod ng Santiago noong araw ng Martes, May 24, 2022.

Kaugnay nito, ipinag utos na ni PRO2 PBGEN Regional Director Steve B Ludan ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa naturang krimen upang mabigyan ng hustisya ang biktima.

Batay sa inilabas na resulta ng awtopsiya ng Santiago City Forensic Unit sa bangkay ng biktima, dito nakumpirma na ang mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktima.

Kumpirmado rin na nagahasa ang biktima dahil sa mga nakitang laceration o pagkakaroon ng penetrating injuries sa sexual organ at anus ng biktima.

Matatandaan noong ika-24 ng Mayo taong kasalukuyan ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Maribet River, Purok 4, Barangay Baluarte, Santiago City na kinilala mismo ng kanyang ina.

Facebook Comments