British nat’l at asawa nito na dinukot sa Zamboanga del Sur, na-rescue ng militar sa Parang, Sulu

Nailigtas na ng tropa ng militar ang dinukot na British national na si Allan Hyrons at kanyang asawa na si Wilma Hyrons kanina.

Ito ang kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana.

Aniya na-rescue ang dalawa sa boundary ng Barangay Silangkan at Taha sa Parang, Sulu kaninang umaga.


Sinabi ni Sobejana nagkaroon muna nang ilang minutong sagupaan bago nailigtas ang dalawa.

Matatandaang alas 7:00 ng gabi noong October 4, 2019 nang dukutin ang dalawa sa isang lugar sa Barangay Alindahaw Tukuran  Zamboanga del Sur.

Facebook Comments