Aminado si British Prime Minister Theresa May na nanghihinayang siya na hindi sinuportahan ng United Kingdom parliament ang kanyang Brexit deal.
Sa kanyang talumpati sa Downing Street, pinuna ni May ang mga miyembro ng UK parliament.
Aniya, dapat maglabas na ng kongkretong desisyon ang parliyamento.
Tiniyak ni May na nasa panig siya ng taumbayan.
Ang UK ay nakatakdang umalis sa EU sa susunod na linggo, March 29 maliban na lamang kung amyendahan ng batas.
Kinakailangan ding pumabor ng 27 iba pang EU members sa hiling na extension ni May na hanggang June 30.
Una nang sinabi ni European Council President Donald Tusk na posible bilang bigyan ng short extension si May, pero kailangang aprubado ito ng parliyamento sa susunod na linggo.
Facebook Comments