British PM Boris Johnson, ipapaubaya na sa EU kung ide-delay ang Brexit

Ipauubaya na lamang ni British Prime Minister Boris Johnson sa European Union kung nais pa nitong ipagpaliban ang Brexit.

Ito ay matapos mabigong maratipikahan ang kanyang kasunduan sa UK parliament bago ang October 31 deadline.

Ayon kay Johnson – nadidismaya na siya sa kanilang Kamara dahil sa patuloy na pagboto pabor na matuloy ang itinakdang schedule ng pag-alis ng UK sa EU.


Sa ngayon, hihintayin ni Johnson na tumugon ang EU sa hiling na pag-urong sa October 31 Brexit date.

Facebook Comments