Briton, huli sa tangkang pagnanakaw sa Makati

36

Makati City – Arestado ang isang Briton matapos tangkaing ipuslit ang dalawang flat screen television sa isang mall sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Michael Byres, 32-anyos at residente ng Barangay Olympia.

Ayon sa mga otoridad, palabas na noon ang suspek bitbit ang dalawang set ng flat screen TV nang sitahin siya ng gwardya para suriin ang resibo ng mga dala nito.

Dahil walang naipakitang resibo, agad ipinaaresto ng gwardya ang suspek.

Facebook Comments