BRIVERY SCANDAL | Peruvian President nag-resign dahil sa pagkakasangkot nito sa katiwalian

Peru – Nagbitiw bilang Pangulo ng Peru si Pedro Pablo Kuczynski bunsod na rin ng pagkakasangkot nito sa katiwalian.

Ginawa ni Kuczynski ang pagbaba sa puwesto isang araw bago simulan ang congressional impeachment proceedings laban sa kaniya.

Sa kabila ng pagbibitiw nito bilang Pangulo, iginiit ni Kuczynski na wala siyang kinalaman sa $800 million bribery scandal na ibinigay umano ng Brazilian construction firm na Odebrecht.


Sabi pa ni Kuczynski, mahirap ang ginawa niyang desisyon lalo pa’t hinusgahan na siya ng kaniyang mga kababayan pero mas mahalaga umano ang interes ng bansa at ang kinabukasan ng Peru.

Si Kuczynski ang pinakahuling politiko na nasangkot sa Odebrecht bribery scandal.

Nauna nang nakulong at sinampahan ng kasi ang dating president ng Peru na si Ollanta Humala at asawa nito.

Sabit din ang dating presidente ng Brazil na si Luiz Inacio Lula Da Silva at Ecuador Vice-President Jorge Glas.

Facebook Comments