BRO FOR EDUCATION SCHOLARSHIP PAYOUT, NAGPAPATULOY

CAUAYAN CITY – Maagang pamasko ang hatid ng Provincial Government of Isabela (PGI) sa mga Bro Scholars dahil matatanggap na nila ang kanilang scholarship allowance sa ika-18 ng Disyembre sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Sa inilabas na anunsyo ng PGI, ang nasabing payout ay para sa ikalawang semester ng Academic Year 2023-2024.

Ang mga lugar na kabilang sa payout ay ang San Pablo na may 798 scholars, Sta. Maria na may 705 scholars, habang nasa 3576 scholars naman sa Lungsod ng Ilagan.


Inabisuhan naman ang mga estudyanteng kukuha ng kanilang allowance na dalhin ang kanilang Certificate of Scholarship, school ID o kahit anong valid ID, at panulat.

Samantala, makikita ang listahan ng mga tatanggap ng allowance sa link na nasa official page ng BRO for Education.

Facebook Comments