Kinasuhan ng libel at cyber libel sa Quezon City Prosecutors Office ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo.
Ang kaso ay isinampa ng complainant na si Erwin Chua ng Real Steel Corporation.
Ayon kay Atty. Joey Lacas, abogado ng complainant, nag-ugat ang kaso dahil sa tuloy-tuloy na komentaryo ni Tulfo sa programa niyang Tutok Tulfo sa Radyo Pilipinas na pinalilitaw na nagmamaltrato ng mga empleyado si Chua.
Nagsimula aniya ang tuloy-tuloy na komento nitong buwan ng Setyembre.
Lahat aniya ng sinabi ni Tulfo ay walang basehan at mapanirang puri sa kaniyang kliyente.
Facebook Comments