Naghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si Broadcaster Raffy Tulfo
Ayon kay Tulfo, tatakbo siya sa pagkasenador bilang independent candidate o walang kinaaanibang partido pulitikal.
Inamin din niya na inalok siya ng kampo ni Senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao na sumanib sa kani-kanilang partido pero magalang niya itong tinanggihan.
Sa kabila nito, kinumpirma ni Tulfo na bukas siyang bilang guest candidate sa ano mang political party.
Aniya, nais niya ring magpasa ng batas para sa maliliit na Pilipino na madalas madehado sa lipunan.
Dumating na rin si JV Ejercito para maghain ng COC.
Samantala, umaabot na sa anim na partylist groups ang naghain ngayong araw ng kanilang CONA o Certificate of Nomination and Acceptance.
Bukod sa APEC, Philreca, Recoboda, Ako Padayon Pilipino at Abang Lingkod, naghain na rin ng CONA ang PNPrainc.
Samantala, isang Loreto Banosan na independent candidate ang naghain din ng COC para sa pagkasenador.