Broadcaster Raffy Tulfo, suportado ang tambalang Lacson-Sotto

611

Sinuportahan ng batikang broadcaster na si Raffy Tulfo ang tambalan nina Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III para sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Tulfo, ang tambalang Lacson-Sotto ang may pinakamagandang track record kumpara sa ibang mga kandidato.

Aniya, isang karangalan ang maging guest candidate ng Partido Reporma dahil sa dalawang beteranong mambabatas.


Idiniin din ni Tulfo na ang korapsyon sa gobyerno ang totoong dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino.

Matatandaang isa sa pangako ng tambalang Lacson-Sotto ay labanan ang korapsyon at alisin ang kotong sa gobyerno.

Facebook Comments