Brodkaster na si Erwin Tulfo idineklarang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni

Idineklara nang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni ang brodkaster na si Erwin Tulfo.

Ito ay matapos ang pambabastos kay Social Welfare and Development (DSWD) Secretary at dating Philippine Army Commander, Rolando Bautista.

Ayon kay PMA Alumni Association Inc. Spokesperson Col Noel Detoyato nabuo ang deklarasyon sa pamamagitan ng isang board resolution na pinirmahan ng  PMAAAI Chairman at CEO, Retired Major General Rufo De Veyra at  President and COO, Police Colonel Arthur Bisnar.


Nakasaad sa resolusyon ang mga bastos na pananalita ni Erwin Tulfo laban kay Sec Bautista na miyembro ng PMA Class of 1985.

Ayon sa PMAAAI ang kabastusan ni Erwin Tulfo ay paglabag sa Broadcast Code of the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Journalist’s Code of Ethics ng  National Press Club.

Paglabag din anila ito sa R.A. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nagkasundo ang  PMAAAI Board of Directors na hindi kailanman bibigyan ng importansya ang presensya ni Erwin Tulfo sa lahat ng aktibidad ng asosasyon maging sa mga Chapter members at Affiliate Organizations.

Hindi na rin daw ito mapapabilang sa mga  prebelihiyo na ibinibigay sa mga responsible media practitioners.

Facebook Comments