“Sometimes it is still better to spend Christmas alone than spending it with wrong people.” Ito ang paalala ng Pangasinan Provincal Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO matapos nilang isalba sa araw ng Pasko ika 25 ng Disyembre ang isang babaeng brokenhearted sa Lingayen Beach Pangasinan.
Ayon sa Pangasinan PDRRMO representative na si Christaline Laoang kinumpirma nila na hindi lasing ang babae na isinalba nila. Nilapitan ito ng mga rescuers at pilit na pinaahon sa dagat upang kausapin dahil halata umano na may pinagdadaanan ang babae. Disyembre 23 ang Pangasinan PDRRMO ay itinilaga na ang kanilang Oplan Kapaskuhan hanggang Enero 1 ng 2018 kaya full force ang kanilang mga nakatalagang rescuers sa mga dagat sa Pangasinan.
Dagdag ni Laoang kung maliligo sa dagat ienjoy na lamang nila ito at huwag ng gumawa ng kung ano ano pa na pwedeng ikapahamak ng buhay at kung may pinagdadaanan man handa ang PDRRMO na maging isang kaibigan na makikinig sa problema.
Hindi na pinangalanan ng Pangasinan PDRRMO ang babae dahil ito ay kompidensiyal.
*Photo credited to PDRRMO*
[image: Inline image 6][image: Inline image 8][image: Inline image 9]