Pito katao huli sa Curfew

Wala paring puknat ang ginagawang pagroronda ng city LGU,City PNP, mga barangay kapitan, tanods at BPAT maging ang mga partners nito na Kasangga at Karancho habang papalapit ang pagsalubong ng bagong taon kung saan pito katao ang nahuli kamakalawa ng gabi na lumabag sa curfew o discipline hour.
Ang pito katao ay nakitang palakad lakad sa sinsuat avenue sa dis oras ng gabi, nang makita ng nag-iikot na Ronda team ni mayor Atty.Cynthia Guiani at Col.Rolly Octavio..Silay dinala agad sa PP2 at kinuha ang kanilang mga pangalan at doon narin sila nagpaumaga.
Mahigpit parin ang paalala ng ating kapulisan sa lungsod sa mga cotabatenyo na umiiral parina ng curfew kayat huwag ng pagla-gala pa kapag lagpas na sa 10:30 ng gabi para hindi mahuli ng Ronda team.

Facebook Comments