Brooklyn Nets Kyrie Irving, balik-court na!

38

Balik-laro na ang point guard at shooting guard ng Brooklyn Nets na si Kyrie Irving.

Si Irving ay hindi nakalaro sa Brooklyn’s Barclays Center dahil sa mandato ng New York sa pagtuturok ng bakuna.

Nitong Oktubre, una nang sinabi ng Nets na handa silang hintayin si Irving hanggang sa maging full-time player na ito.


Si Kevin Durant ang nanguna sa Nets nang hindi pa nakakapaglaro si Irving kung saan nitong linggo ay nasa 51 points ang kaniyang kinubra para sa panalo kontra Detroit Pistons.

Facebook Comments