Brother Eddie Villanueva, malabong sumabak sa 2022 presidential elections

149

Nagpasalamat si Senator Joel Villanueva sa 1Sambayan para sa tiwala at paniniwala sa kaniyang ama na Citizens’ Battle Against Corruption o CIBAC partylist at Deputy Speaker Cong. Brother Eddie Villanueva.

Pahayag ito ni Villanueva kasunod ng nominasyon ng 1Sambayan sa kaniyang ama para maging pambato sa 2022 presidential elections.


Ayon kay Villanueva, walang interes ang kaniyang pamilya na tahakin ang landas tungo sa pagiging pangulo ng bansa.

Paliwanag ni Villanueva, kasunod ito ng trahedyang pinagdaanan ng kaniyang pamilya noong nakaraang taon.

Ang tinutukoy ni Villanueva ay ang magkasunod na pagpanaw ng kaniyang ina na si Adoracion “Sister Dory” Villanueva at kapatid na si Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna.

Facebook Comments