Brown out sa Ilang Parte sa Isabela, Mararanasan Bukas!

Cauayan City, Isabela – Mararanasan bukas ang kawalan ng koryente sa ilang parte sa lalawigan ng Isabela simula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Ito ang ibinigay na paabiso ni ginang Lilibeth Gaydowen, ang tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP-Northern Luzon.

Aniya, maapektuhan ang maliit na parte na sakop ng ISELCO 1 sa Reina Mercedes substation at ilang bahagi sa Cauayan City hanggang Ilagan City, maging ang ilang sakop ng ISELCO 2 maliban sa substation ng Tumauini at Cabagan.

Ang dahilan ng kawalan ng koryente ay nakapaloob parin umano sa annual preventive maintenance ng malaking transformer na nasa Gamu stations.


Sinabi pa ni ginang Gaydowen na sana ay hindi umulan bukas upang mabuksan ang malaking equipment at madaling maipatupad ang annual preventive maintenance.

Samantala nagkaroon na umano ng preparasyon ang NGCP-Northern Luzon sa panahon ng tag-ulan kung saan ay sinimulan pa noong buwan ng Enero ang pag-aayos ng mga poste at nasa 90% na ito maliban lamang kung may dumating na malakas na bagyo tulad ng bagyong lawin noong 2016.

Facebook Comments