Brownout, asahan sa Summer 2020 dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente

Asahan muli ang mga brownout pagdating ng tag-init sa susunod na taon.

Ayon kay Dept. of Energy Usec. Felix William Fuentebella, may nakikita silang pagnipis sa supply ng kuryente.

Kaya ngayon pa lamang ay nagpapasabi na ang DOE sa Meralco, National Grid Corporation Of The Philippines (NGCP), iba pang electric  cooperatives, maging sa mga konsumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.


Sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi, sinulatan na nia ang Meralco at sinabihang maghanda dahil hindi trabaho ang gobyerno na maghanap ng supply ng kuryente.

Tiniyak naman ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nangongontrata na sila ng supply ng kuryente pero wala naman silang magawa kung biglang pumalya ang mga planta gaya nang nangyari noong tag-init.

Maliban sa paghahanda sa mga establisyimento, paiigtingin din ng Meralco ang kampanya para lalong magtipid sa pagkonsumo ng kuryente ang mga konsumer.

Facebook Comments