Brownout Sa Naia, Isang Malaking Kahihiyan

14

MANILA – Hindi pinalagpas ng kampo ni Senator Grace Poe ang limang oras na pagkawal ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA – terminal 3 para muling batikusin ang administrasyon Aquino.Ayon sa tagpagsalit ni Sen Poe na si Mayor Rex Gatchalian, ang nabanggit napower outage sa NAIA 3 nitong Sabado ng gabi ay isang malaking kahihiyan para sa bansa.Diin ni Gatchalian, ipinapakita ng nabanggit na power outage ang kawalan ng kakayahan at kapalpakan ng Dept of Transportation and Communiction o DOTC, airport authority DOTC, airport facilities management.Dagdag na naman aniya ito sa iba pang kapalpakan at negatibong isyu sa ating paliparan tulad ng pagkadelay ng mga flights dahil sa runway congestion, tanim bala, at hindi maahos na terminal infrastructure.Giit ni Gatchalian, dapat suklian ng magandang serbisyo ang ibinabayad na tax at airport fees ng mga pasahero ng paliparan.Panawagan aniya ni Senator Grace Poe sa DOTC at airport officials, ayusin ang kanilang trabaho at ihatid sa publiko ang nararapat na serbisyo.

Facebook Comments