Magdalo, Nilinaw Ang Kanilang Posisyon Sa 2016 Elecions

6

MANILA – Mariing pinabulaanan ng Magdalo Party-List na sinusuportahan nito ang kandidatura ni Vice Presidential candidate Chiz Escudero.Ang paglilinaw ay ginwa ng grupo matapos lumabas ang balita na tatlumpong party-list groups ang nagkaisa upang i-endorso si presidential candidate Sen. Grace Poe at ang kanyang katandem na si Escudero.Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano, nais linawin ng kanilang grupo na si Sen Poe ang kanilang sinusuportahan sa pagkapresidente.At sa pagka-bise presidente ay walang ibang kandidatura silang isinusulong kundi ang kanilang national chairman na si senator Antonio sonny Trillanes IV.Binigyng diin ni alejano na naniniwala sila na ang tambalang Poe-Trillanes ay ang pinakamainam na kombinasyon na magtutulak ng kanilang mga adbokasiya sa peace and order, anti-corruption, at poverty alleviation.

Facebook Comments