BRP Antonio Luna, nasa Hawaii na para sa RIMPAC Naval Exercise

Photo Courtesy: Philippine Navy

Dumating na ang BRP Antonio Luna (FF151) na bahagi ng Naval Task Group 80.5, sa Honolulu, Hawaii upang sumali sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Naval Exercise.

Ayon kay Commander Benjo Negranza, Director ng Naval Affairs Office na habang papasok sa Pearl Harbor ang contingent at crew ay nag-man the rail at sumaludo habang dinaanan ang USS Missouri at USS Arizona memorial bilang pag-pupugay sa mga bayani ng World War II.

Ang Philippine Contingent ay sinalubong ni Captain Mark Sohaney USN, ang Commanding Officer ng Joint Base Pearl Harbor Hickam kasama si Philippine Navy Liaison Officer to Hawaii, Captain Aldrin Doctor at RIMPAC coordinators mula sa Royal Australian Navy at US Navy.


Nagpasalamat naman si Captain Charles Merric Villanueva, ang Commanding Officer ng BRP Antonio Luna at NTG 80.5 Commander sa mainit na pagtanggap.

Ang RIMPAC na magsisimula sa June 29 hanggang August 4, ang pinakamalaking naval exercise sa buong mundo na sasalihan ng 27 bansa, sa pangunguna ng Estados Unidos.

Facebook Comments