QCPD, naglatag na rin ng mga checkpoint sa Quezon City kasabay ng ipinatutupad na gun ban sa Metro Manila

65

Nagpatupad na rin ng Oplan Sita checkpoints ang Quezon City Police District (QCPD) sa ilang lugar sa Quezon City, ilang araw bago ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Maynila.

Ayon kay QCPD Police Captain Ulysses Espique, ang paghihigpit ng pulisya ay bahagi ng security measures na ipinatutupad sa lungsod.

Simula na rin ngayong araw, June 27 ang gun ban na matatapos hanggang July 2.


Ilan sa mga lugar na nilatagan ng checkpoint ay ang Kalayaan Avenue.

Maraming motorcycle riders ang sumailalim sa inspection.

Pagtiyak pa ng pulisya na magtutuloy-tuloy na ang Oplan Sita checkpoint sa iba pang lugar sa lungsod.



Facebook Comments