BRP Gregorio del Pilar, pumalaot nang muli

Balik nang muli sa aktibong serbisyo ang BRP Gregorio del Pilar (PS-15) matapos ang mahigit apat na taong pagkawala sa operasyon.

Matatandaang nagtamo ng pinsala ang BRP Gregorio del Pilar nang sumadsad ito sa bisinidad ng Hasa-Hasa Shoal sa karagatan ng Palawan noong Agosto 2018 habang nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Mula noon ay sumailalim sa serye ng pagkukumpuni at system upgrades ang BRP Gregorio del Pilar upang maibalik sa operational readiness.


Nitong Agosto ay nakumpleto na ang pagsasaayos dito at naipasa na rin nito ang sea trial at endurance run.

Nakumpleto rin ng BRP Gregorio del Pilar ang operational readiness evaluation na ginawa ng Fleet Operation Readiness Training and Evaluation Group mula Setyembre 12 hanggang 16 at nakamit ang ready for sea status.

Mula sa Naval Operations Base Subic, patungo na ngayon ang BRP Gregorio del Pilar sa kanyang assigned area of operations.

Facebook Comments