BRP Gregorio Velasquez (AGR-702) ng Philippine Navy, gagamitin ng AFP sa survey mission sa Benham rise

Manila, Philippines – Gagamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang BRP Gregorio Velasquez (AGR-702) ng Philippine Navy sa survey mission sa Benham rise.
 
Ito ay matapos na ihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na plano nyang maglibot at tingnan ang buong Benham rise na sakop ng teritoryo ng bansa.
 
Ang Benham rise na nasa 13 milyong hektarya ay ini-award sa Pilipinas ng United Nations noong 2012.
 
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Edgard Arevalo, ang nasabing barko ay nag-iisang asset ng Philippine Navy na may kakayahang magsagawa ng oceanographic at hydrographic survey operations.
 
Pero paglilinaw ng opisyal, hindi gagamitin ang barko hanggat walang abiso o utos mula kay Lorenzana at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Nanindigan din ang AFP na handa silang protektahan ang lahat ng teritoryo ng bansa.


Facebook Comments