BRP Pampanga, tumulak sa Iligan City upang maghatid ng Medical mission team

Manila, Philippines – Muling tumulak ang BRP Pampanga ng Phil Coast guard sa Iligan City sa Mindanao upang maghatid ng dagdag na ayuda galing sa ibat ibang samahan at ahensya ng gobyerno relief goods para sa mga apektado ng giyera sa Marawi City .

Ayon kay cmdr Armand Balilo, tagapagsalita ng Phil. Coast Guard, ihahatid din nila ang grupo ng mga doktor at health staff na magsasagawa ng medical and dental mission sa mga bakwit.

kabilang sa ihahatid ng BRP Pampanga ay mga hygiene kits at mga laruan para sa mga bata at mga school chairs na mula naman sa Department of Education.


Ito ang makalimang pagkakataon na naglayag ang BRP Pampanga ng PCG sa Iligan City upang makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng giyera sa Marawi City.

Idinagdag ni Balilo na nanatili ang mataas na alerto ng PCG upang matiyak na hindi makakapuslit sa ibang lugar ang Maute ISIS na nagtatangkang tumakas sa bahagi ng Marawi City.

Facebook Comments