Naglayag na kahapon ang BRP Tarlac para ihatid ang 488 tonelada ng relief goods para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu, Bohol at Surigao.
Karga ng barko ang 13 truck ng relief supplies na nalikom ng Philippine Army mula sa mga pribadong donasyon na itu-turnover sa provincial government ng Cebu.
Kasama rin dito ang 53 tonelada ng rolling cargo, na kinabibilangan ng mga truck ng Meralco at militar.
Noong nakaraang linggo, nakapagdala narin ang BRP Tarlac ng 350 tonelada ng relief goods at essential supplies mula sa Maynila patungo sa mga calamity areas sa Visayas at Mindanao.
Ang BRP Tarlac ay isa sa dalawang pinakamalaking barko ng Philippine Navy.
Hindi bababa sa 19 na barko ng Philippine Navy ang kanilang dineploy para sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.