
Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III ang balitang dinala sa ospital kaninang umaga ang contractor na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects na si Curlee Discaya.
Ayon kay Sotto, sumailalim sa magnetic resonance imaging o MRI si Discaya dahil sa iniinda nitong frozen shoulder.
Dagdag ng senador, matapos ang MRI ay agad din namang nakabalik si Discaya sa detensyon nito sa Senado.
Hindi naman binanggit kung saang ospital ginawa ang MRI procedure sa contractor.
Samantala, naunang kinumpirma ng abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego na dinala si Curlee sa ospital dahil marami na ring nararamdaman at pitong buwan na ring walang check-up.
Hihiling din ang kampo ng mga Discaya sa Senado na makakuha pa ng additional check-ups si Curlee.










