BSKE sa Negros Oriental, tuloy sa October 30 – COMELEC

Sa unanimous na boto, napagdesisyunan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc na tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental sa October 30.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng siyam na alkalde sa Negros Oriental na suspendihin ang halalan sa probinsya kasunod ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo noong Marso.

Sa kabila nito, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, na isasailalim pa rin sa COMELEC control ang buong probinsya.


Dagdag pa ni Garcia, kahit nasa COMELEC control ay sisiguraduhin nilang regular ang serbisyo ng pamahalaan at walang magbabago.

Maglalabas naman ng guidelines ang COMELEC sa mga susunod na araw kung paano ipatutupad ang halalan sa naturang probinsya.

Facebook Comments