Aarangkada na ang Wellness Day Webinar Series na naglalayong tulungan ang mga guro at non-teaching personnel laban sa mga pandaraya at scammers.
Ayon sa Department of Education (DepEd) ang first episode ng nasabing webinar ay nakatuon sa financial wellness para makaiwas sa anumang mga scammers na kadalasang nabibiktima ay mga guro.
Inaasahan mamayang ala-1:30 ng hapon ay tatalakayin ng financial management expert na si Ms. Jennifer Villena ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga paraan upang makaiwas sa mga manloloko sa social media at iba pang pamamaraan.
Inaanyayahan ang mga DepEd employees na mag register sa bit.ly/Reg_FinancialWellness gamit ang kanilang DepEd email address para makabahagi sa webinar.
Pero ang mga non-DepEd employees ay pwede ring maging bahagi ng webinar tungkol sa financial literacy sa pamamagitan ng DepEd Philippines Facebook page para sa livestream.
Paliwanag pa ng DepEd na ang webinar na ito ay ginawa sa pagtutulungan ng BSP at Bank of the Philippine Islands (BPI) Foundation.