BSP at PSA, mangunguna sa paggawa ng national ID

Pormal nang lumagda sa memorandum of agreement (MOA) ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Statistics Authority (PSA) para sa paggawa ng blank cards na gagamitin sa national ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).

 

Sa ilalim ng nasabing MOA, ang PSA ang maglalagay ng impormasyon sa mga ID card at ang BSP naman ang magpo-produce ng 116 million ID cards sa loob ng tatlong taon.

 

Ang mga national ID card ay ibibigay sa lahat ng Pilipino at mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas.


 

Noong nakaraang taon, nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No 11055 o ang Philippine Identification System Act na layong pag-isahin ang lahat ng government IDs sa bansa.

Facebook Comments