BSP, Best Gov’t Agencies sa mga negosyante

42 mula sa 69 na government agencies ang nakakuha ng satisfactory remarks mula sa mga negosyante.

Base sa Makati Business Club Executive Outlook Survey (EOS) para sa 2nd quarter ng 2019, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nakakuha ng mataas na marka na may 97%, pangalawa ang NEDA (85%), sumunod ang PAGASA (84%).

Kukumpleto sa Top 10:


  • DTI (83%)
  • PSA (81%)
  • Finance Department (80.4%)
  • Board of Investments (79.8%)
  • Tourism Department (78.8%)
  • AFP (78.7%)
  • Securities and Exchange Commission at Philippine Economic Zone Authority (kapwa nakakuha ng 77.8%)

Ang MWSS ang nakakuha ng pinakamababang grado na may 21.9%

Ayon kay MBC Executive Director Coco Alcuaz, ipinapakita lamang sa survey kung paano nakikita ng mga nasa business sector ang leadership at public service ng gobyerno.

Ang survey ay ginagawa mula June 19 hanggang July 22 sa 100 Business Executives na kumakatawan sa 100 kumpanya.

Facebook Comments