Manila, Philippines – Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gumamit ng iba pang uri ng banking transactions, tulad ng electronic o e-channels.
Ito ay kasunod na rin ng nagbabadyang pagtaas sa ATM fees.
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier – dapat ikunsidera ang ibang paraan ng pagbabangko o financial transactions, gaya ng InstaPay at PESOnet, magkakaroon na rin ng QR o quick response codes sa retail payments.
Ang mga nabanggit ni Fonacier ay halimbawa ng e-payment systems kung saan hindi mo na kailangang maglabas ng pisikal na pera sa transaksyon.
Nabatid na aabot sa 15 hanggang 30 pesos ang singil sa kada single interbank withdrawal mula sa kasalukuyang 10 hanggang 15 pesos.
Facebook Comments