BSP, inilabas na ang bagong disenyo ng P1,000 bill

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong disenyo ng P1,000 bill.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, tampok sa bagong disenyo ang Philippine eagle at iba pang likas na yaman na matatagpuan sa bansa.

Inaprubahan ito ng National Historical Institute habang ang Monetary Board at ang Office of the President ang nag-apruba ng pagpapalabas nito.


Paglilinaw naman ni Diokno na hindi pa maisasapubliko ngayong pasko ang bagong salapi, dahil sa April 2022 pa magaganap ang unang delivery.

Inaasahang mas environment-friendly, cost-effective, hygienic at mahirap gayahin ang bagong disenyo ng P1,000 bill.

Facebook Comments