3 pang pulis, nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP

41

Nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, nasa 42,229 na ang kabuuang nahawa sa virus sa ahensiya kung saan 29 ang aktibo.

Nadagdagan naman ng tatlo ang mga gumaling para sa kabuuang 45,075 recoveries.


Habang nananatili sa 125 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP.

Kahapon, nasa 379 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa para sa kabuuang 2,836,200 cases.

Facebook Comments