BSP, maglalabas ng guidelines para sa mga digital bank sa bansa

Maglalabas ng guidelines ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pagtatatag ng mga digital bank sa bansa na magagamit sa mabilisang transaksyon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, kabilang sa bibigyan ng guidelines ang mga: universal banks, commercial banks, thrift banks, rural banks, cooperative banks at islamic banks na subok na sa epektibong mekanismo ng digital government.

Maliban dito, layon din ng ilalabas na guidelines na mapaunlad pa ang inobasyon ng digital banks sa bansa at matulungan ang publiko lalo na ngayong umiiral ang community quarantine dahil sa COVID-19.


Facebook Comments