Inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi dahilan ang COVID-19 pandemic para tumigil sa pamumuhunan ang mga nagne-negosyo.
Dahil dito, isang mababang interest rates policy na inilabas ng BSP para sa mga nais mangutang at makapag-negosyo sa gitna ng nararanasang health crisis.
Ayon kay Diokno, nasa 2.25% policy interest rates ang kanilang itinakda lalo’t nais nilang makabangon at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Inaasahang papalo sa 2.3% ang inflation outlook ng bansa para sa 2020 habang 2.6% naman sa susunod na taon.
Facebook Comments