BSP, muling nagpa-alala sa publiko na papalitan na ang mga lumang perang papel

108
Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na papalitan na ang kanilang mga lumang perang papel.
 
Ayon sa Bangko Sentral, hanggang sa March 31 na lamang maaaring ipalit ang lumang denominasyon ng perang papel sa mga bangko o alinmang sangay ng BSP.
 
Kaugnay nito, nagpadala na rin ng mensahe ang national telecommunications commission sa publiko hinggil sa nasabing abiso ng bangko sentral.
 
Una nang pinalawig ng bsp ang deadline sa pagpalit ng mga bagong serye ng denominasyon sa mga bank notes.
 
Kapag napaso ang deadline pagsapit ng April 1, demonetized na ang lumang perang papel o hindi na maaaring magamit para ipambili ng anumang produkto at pambayad ng serbisyo.


Facebook Comments