Pangulong Duterte, pinatitigil ang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Robredo

105
Manila, Philippines – Pinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Sa arrival speech ni P-Duterte, sinabi ng pangulo na katatapos lamang ng eleksyon at halal ng taong bayan ang pangalawang pangulo.
 
Giit ni Duterte, na hindi sapat ang pambabatikos ni Robredo para ito’y patalsikin dahil bahagi lamang ito ng demokrasya.
 
Sinabi naman ng pangulo na hindi pa niya nababasa o hindi pa nito napapanood ang video message ni Robredo na ipinadala sa United Nations na bumabatikos sa kanyang anti-drug war at umano’y ‘palit-ulo’ scheme ng PNP.


Facebook Comments